Popular Posts

Thursday, April 14, 2011

" Ang Pag-iisip ng Pinoy! "

Sa panimula ng pagsulat kong ito, gusto kong sabihin sa inyo na ako ay purong pinoy at isang OFW din... At, ipinagmamalaki kong ako'y isang Filipino!

Tayong mga Pinoy ang likas na matatalino, masipag, madiskarte sa lahat ng bagay, at higit sa lahat madali tayong makapag-adjust sa lahat... mapa-personal man yan o mapa-trabaho man, etc...

Kya lang sa bansa natin madaming walang trabaho, bakit? Kse ang mentalidad ng mga kumpanya satin eh dapat mataas ang pinag-aralan at may bracket pa ang edad nyan ha... Kapag lumagpas ka na ng edad 40-45 sa Pinas mahihirapan ka nang makapag-apply kse kahit nakapagtapos ka ng kolehiyo edad mo naman ang titirahin dahil yun ang company policy...
Pero bakit sa Amerika pwede ang may mga edad magtrabaho? kahit nga 60 yrs. old na basta kaya pa ay pwede pa sa knila di ba?

Aminin man natin o hindi, paatras ang patakbo d2 sa Pilipinas.
Kahit nga sa mga government offices nga natin luma pa rin ang policy nila... isa na dyan ang OWWA, bakit ko nasabi kamo? Sa ating mga OFW, ang sabi ng gobyerno natin tayo daw ang bayani at maeron silang hinandang magandang policy sa atin para sa pangka-buhayan.. pero ano?? meron ba? wala nman eh! bakit ko nasabi? Pumunta po kyo sa OWWA at subukan nyo po mag-tanong tungkol sa Livelihood project nila para sa OFW at magtanong po kyo ng Loan para dito.. isa lang po ang isasagot nila dyan.. maghintay daw at naghahanap pa sila ng affiliate na bank para sa pautang ng OWWA sa mga OFW.
Ibig sabihin walang pera ang gobyerno para sa atin? Saan napupunta ang mga Dolyar na remittances natin monthly??
Ni wala tayong mapakinabangan na tulong galing sa gobyerno, pero sila malaki ang pakinabang sa ating mga OFW... isa lang yan...

Eto pa ang isa... Ang NBI natin luma pa rin ang gamit na database sa pagkuha ng NBI Clearance, mula nang kumukuha ako ng NBI nuong binata pa ako may HIT na akong lumalabas dahil may kapangalan ako; hanggang ngayong tatlo na ang anak ko ganun pa rin?? Eh, mula pa yta sa mga magulang natin hanggang sa mga magiging anak natin ay magiging ganyan na yta talaga ang gagamitin nilang database?? Ibig kong sabihin, bakit di man lang nag-improve sana di ba? Ok, granted kapangalan ko nga, ka-bday ko na rin, kamukha rin ba ng address ko at ng mukha ko yung may kaso na yan? Ano ba yan!? sana nman... HOY GISING!

Kawawa naman ang Pilipinas, kinukurakot ng buwayang opisyal ng gobyerno ang kaban ng bayan!
Sana nman po ay may makitang pagbabago na tayo sa Pilipinas..

LET US JUST HOPE!!! BOW!